bugtong, filipino riddles, palaisipan,Tagalog RiddleHello! Maraming salamat sa pagbisita dito sa BugtongBugtong.com.

Kami po ay lumipat na sa www.AralingPilipino.com

Mga Bugtong 2

Halimbawa ng Bugtong : Kaisa-isang plato, kita sa buong Mundo.


Ano ang nasa isip mong sagot para sa bugtong na ito?











Sagot: Buwan

Bugtong

Nagtago si Pedro, labas ang ulo.



Sagot : Pako

Mga Bugtong

1.Ate mo, ate ko, ate ng lahat ng tao

2. Hindi prinsesa, hindi reyna. Bakit may korona

3. Nanganak ang birhen, itinapon ang lampin.

4. Isang prinsesa, nakaupo sa tasa.

5. May langit, may lupa, May tubig, walang isda.




Sagot
1. Atis
2. Bayabas
3. Saging
4. Kasoy
5. Niyog

Mga Bugtong 1

1. Bugtong: Ang alaga kong hugis bilog, barya-barya ang laman-loob.
Sagot : Alkansiya

2. Bugtong: Ako ay may kaibigan, kasama ko kahit saan.
Sagot : Anino

3. Bugtong: Palda ni Santa Maria. Ang kulay ay iba-iba.
Sagot: Bahaghari

4. Bugtong: Sa araw ay bungbong, sa gabi ay dahon.
Sagot: Banig

5. Bugtong: Sa liwanag ay hindi mo makita. Sa dilim ay maliwanag sila.
Sagot: Bituin

Ano Ang Bugtong?

Ang Bugtong ay isang pangungusap o tanong na kadalasang nilalaro ng mga batang pinoy, at ng mga nakakatanda. It ay may doble o nakatagong kahulugan na nilulutas bilang isang palaisipan. Ang bugtong ay gumagamit ng talinghaga, o mga metapora sa pagsasalarawan isang partikular na bagay o mga bagay na hulaan. Madalas itong nangangailangan ng katalinuhan at maingat ng pagninilay-nilay para mahulaan ang palaisipan o tanong.